Barangay LS 97.1FM public
[search 0]

Download the App!

show episodes
 
Love stories from listeners of Barangay LSFM are featured in this weekly radio program. Listen in as Papa Dudut reads the letter of a "kabarangay" who shares his/her heartfelt experience. A dramatization brings the audience closer to feeling the joy, the pain, the ups and downs of being in love--something that each one of us can relate to.
 
Loading …
show series
 
Nagtatrabaho bilang isang security guard ng bangko si Arnel. Nang makita niya ang batang lansangan na si Dondon na pilit sinusubukang basahin ang tarpaulin ng milk tea, tinulungan niya ito. At doon nga nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa, pareho man silang may pinagdaraanang hirap sa buhay hindi iyun naging hadlang kay Arnel na tulungan si Dondon…
 
Nang ikasal si Evelyn kay Melbert, tumira muna sila sa bahay ng pamilya ni Melbert pero plano rin talaga nilang bumukod. Ngunit nang magkaroon na nga sila ng munti nilang bahay, hindi pa rin sila makaiwas sa gulo na dala ni Remjun at Cora na kuya at hipag ni Melbert.Nung minsang magkasakit si Melbert at hindi na talaga alam ni Evelyn kung saan siya…
 
Walang magulang ang may gustong maligaw ng landas ang kanilang mga anak. Kahit naging rebelde si Susan noong kabataan niya, hindi ganung kinabukasan ang pinangarap niya para sa kanyang anak na si Shamara.Marumi, magulo, at nakakadiri - iyan ang pwedeng itawag sa nakaraan ni Susan. Naging kabit siya nang hindi niya alam at para sa kapakanan ng anak …
 
Madalas ang mga taong humuhusga sa atin ay mga taong hindi natin kilala. Pero kapag malalapit na nating kakilala ang nangmamata sa atin, sino ba namang hindi masasaktan.Hindi kinakahiya ni Joey ang trabaho niya bilang macho dancer, lalo pa't alam niya sa sarili niya na wala naman siyang ginagawang masama. Dahil mabilis ang kita rito, ito ay trabaho…
 
Nag-iisang anak lang si Angela. Kaya nang mabiyudo ang kanyang papa, hindi siya naging tutol na mag-asawa ito ulit dahil ramdam niya rin ang lungkot nito nang mawala ang kanyang mama.Madalas mag-away ang kanyang papa at stepmother at ang kanyang boyfriend na si Peter lang ang tanging napaglalabasan niya ng kanyang frustrations at iba pang problema …
 
Hindi naging madali ang buhay ni Karl noong kabataan niya. Kaya nang mapangasawa niya si Aly at nagsimulang bumuo ng sarili nilang pamilya, pinangako niya na magsisikap siya para ibigay ang magandang buhay sa asawa at anak niya. Kaya kahit hindi payag si Aly na magtrabaho si Karl bilang seaman, hindi niya ito napigilan.Totoong naibigay nga ni Karl …
 
Ano ang mas madaling ibalik, pag-ibig na naubos o tiwalang hindi na buo?Limang taon nang magkarelasyon si Neil at Candy kaya nang malaman ni Candy na halos isang taon na pala siyang niloloko ng pinakamamahal niya, parang na rin gumuho ang mundo niya. Sa huli na-realize ni Neil na si Candy pa rin pala ang mahal niya kaya sinuyo niya ito nang sinuyo …
 
Lalaking magpapatuloy ng pangalan ng angkan, iyan ang madalas gusto ng mga padre de pamilya.Bago pa mabuntis sa unang pagkakataon ang asawa ni Godo, lalaki na talaga ang matagal niyang panalangin. Pero kahit na babae ang naging anak nila sa una, pangalawa, hanggang sa pang apat na beses ay hindi pa rin nawala ang kagustuhan niyang magkaroon ng anak…
 
May mga bagay na hindi natin makontrol sa buhay katulad ng pagpili kung sino ang ating magiging mga magulang.Ang ama ni Linette ay isang kilalang tao sa kanilang probinsya ngunit nang pinagbuntis siya ng kanyang ina ay buntis na rin ang totoong asawa ng kanyang ama. At nang makunan ang legal na asawa, napagkasunduan nilang lahat na si Linette ang i…
 
Hindi lahat ng mga nagtatrabaho sa abroad ay pera ang naiuuwi sa kanilang pamilya. Ang iba sa kanila ay pasa at sugat ang tanging baon pagbalik ng Pilipinas at meron pa nga na malamig na katawan na lang ang mayayakap ng kani-kanilang pamilya. Isa si Cora sa mga OFW na nakaranas ng pagmamaltrato sa ibang bansa pero pinangako niya sa kanyang sarili n…
 
Marami ang gustong bumalik sa kanilang pagkabata pero may mga tao rin na tinatakbuhan at pilit na kinakalimutan ito.Walong taong gulang pa lamang si Martin nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. At dahil busy ang kanyang mama sa paghahanap-buhay, tuwing umaga ipinagkakatiwala ng kanyang mama si Martin sa kanyang Tita Aida. Lubos na akala ng kany…
 
Isang biyaya ang kakayanang makapagluwal ng panibagong buhay sa mundo. Pero kakayanin mo bang ipahiram ang iyong sinapupunan para sa batang hindi naman sa iyo?Hindi nagkaroon ng happy ending si Pearl sa first love niyang si Michael. Ngunit hindi niya inaasahan na ang kapatid niyang si Patricia ang magkakamit noon sa piling ni Michael. Ang mas masak…
 
Hanggang saan kayang protektahan ng isang ina ang mga anak niyang babae laban sa kinakasama niyang lalaki?Hindi aakalain ni Aira na sa mura niyang edad ay magta-'trabaho' na siya tulad ng kanyang mama Kaylin. Sa pagpipilit ni Lauro, ang lalaking kinakasama ni Kaylin, nakumbinse ang nanay ni Aira na pagkakitaan nila ang bata. Ang kanilang trabaho, a…
 
Hindi masama ang mag-asawa ulit para magkaroon ng katuwang sa buhay. Pero paano kung ang akala mong katuwang ay siya pa palang mas magpapahirap sa mahirap nang buhay ng mga anak mo?Wala pang isang taon nang makahanap ulit ng babaeng mamahalin ang tatay ni William at Nina simula nang mamatay ang nanay nila. Wala naman sanang problema noong una pero …
 
Huwag kang maghabol sa taong hindi ka kayang ipaglaban, dahil sa pag-ibig hindi lang dapat isa ang matapang.Maingat si Letty sa pagbibigay ng tiwala, pero minsan kahit nag-iingat ka, naloloko ka pa rin sa huli. Bagong salta lang sa Maynila si Letty nang makilala niya si Nando. Si Nando na kung mamuhay ay parang binata pero inililihim pala nito na m…
 
Kilala bilang playgirl si Alexa, matalino rin siya at maganda pero ayaw sa commitment. Malaki ang tiwala niya na walang lalaking manloloko sa kanya hanggang sa makilala niya si Julius, ang lalaking nagbago ng buhay niya.Tunay na pag-ibig ang inaasahan ni Alexa na dala ni Julius, ngunit iba pala ang dala nito - paghihiganti. May kasabihang, 'Kung an…
 
Sampung taon pa lamang si Paolo ay hinahangaan na niya ang asawa ng kanyang kuya Harold. Sa murang edad, pinilit niyang makatulong sa buntis niyang hipag upang punan ang pagkukulang ng pabaya niyang kapatid. At sa kanyang pagtanda, hindi nagbago ang pag-aalaga niya sa pamilyang binuo ngunit inabanduna rin ni Harold. Kasabay ng pagtanda ni Paolo, ay…
 
Paano ba napoprotektahan ng sikreto ang isang tao? Mag-isang itinaguyod ni Nelia ang anak na si Lucho. Malaki ang pagnanais ni Lucho na makilala at makapiling ang kanyang ama ngunit hinding-hindi sinabi ni Nelia ang tunay na dahilan kung bakit wala na siyang tatay. Lumaki si Lucho na gálit at ínis ang laging bungad sa kanyang ina. At hanggang sa ka…
 
Isa sa may pinakamasakit na kuwento ng pag-ibig ay ang mga taong pinagtagpo pero hindi itinakdang magkatuluyan. First love and first girlfriend ni Elvin si Dina. Simula pa lang ng kanilang relasyon ay malinaw na sa kanila na hihintayin nila ang kasal bago nila pagbigyan ang kanilang mga sarili. Almost perfect na sana ang kanilang kwento pero bigla …
 
Loading …

Quick Reference Guide

Copyright 2021 | Sitemap | Privacy Policy | Terms of Service
Google login Twitter login Classic login